Tutol si Cavite Governor Jonvic Remulla na magpatupad ng lockdown sa probinsya sa kabila ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19. Sa Facebook post Biyernes, sinabi ni Remulla na hindi na kakayanin ng lalawigan ang panibagong lockdown at marami ang maaapektuhan. “We cannot afford another lockdown. Masyadong maraming maapektuhan. So please take responsibility for yourself and the ones you love,” ani Remulla.
Tutol si Cavite Governor Jonvic Remulla na magpatupad ng lockdown sa probinsya sa kabila ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19. Sa Facebook post Biyernes, sinabi ni Remulla na hindi na kakayanin ng lalawigan ang panibagong lockdown at marami ang maaapektuhan. “We cannot afford another lockdown. Masyadong maraming maapektuhan. So please take responsibility for yourself and the ones you love,” ani Remulla.
Sa datos mula sa Department of Health-Calabarzon nitong Huwebes, nasa kabuuang 1,370 ang mga aktibong kaso sa Cavite. Bagama’t may ilang isolation facility at ospital ang nagre-report na puno, lumalabas sa datos ng DOH na 25 porsyento pa lang ang paggamit ng ICU, 23 porsyento sa ward beds, at 33 porsyento sa isolation bed.
“Bagama’t mabilis ang pagkalat, ang mga may amats ay kadalasan mild cases lang. Kaunting sinat, sipon, ubo at sore throat. Malaking bagay na mataas ang vaccination rate natin. Ganon pa man ay karagdagang ingat pa rin ang kinakailangan,” ani Remulla. Sumirit muli ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa matapos ang Kapaskuhan. Nitong Huwebes, nakapagtala ang DOH ng higit 17,000 kaso.
Source:ABS CBN News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Bawas-presyo sa petrolyo, ipatutupad simula ngayong Martes

Magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng malaking bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Marso 22. Magkakasunod na inanunsyo ng mga kompanya ng langis sa bansa ang pare-parehong halaga ng itatapyas nila sa kanilang mga produkto at...

P1 Milyon cash gift, ipagkakaloob sa Pinoy na aabot sa 101 taong gulang

Isinumite na ng Special Committee on Senior Citizens sa Kongreso ang panukalang pagkalooban ng P1 milyong cash gift ang mga Pilipino na aabot sa 101 taong gulang. Sa ilalim ng House Bill (HB) 7535, tatanggap ng P1 milyong cash gift at liham ng pagbati mula sa Pangulo...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inumpisahan na

Magpapatupad na ng dagdag-bawas sa mga presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula nitong martes, ika-14 ng Marso 2023. Sa anunsiyo ng kumpanyang Shell, may dagdag na ₱1 ang kada litro ng gasolina. May bawas naman sa kada litro ng diesel...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.