Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Ipinahayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa Twitter, ang kaniyang pagkadismaya sa mabagal na pag-usad ng kaniyang hiling ukol sa dagdag suporta sa bakuna.
“I am already BEYOND frustrated. Naka-ilang meeting na pero everytime we ask for vaccine support the answer is “we will get back to you.” Puro ganyan. It is worse than “noted,” ani Remulla sa isang Tweet.
“Bakit hindi na lang kami hayaan makipag-negotiate direct to buy our own vaccine supply eh may pera naman kaming mga LGU,” pagpapatuloy niya sa sunod na Tweet.
Matatandaang ilang beses ng nagpahayag ang gobernador ng kaniyang panawagan sa mga kinauukulan para sa dagdag na alokasyon ng bakuna kontra COVID-19 sa lalawigan ng Cavite.
Sa ilang mga naunang post sa social media, ipinaliwanag rin niya na bukod sa NCR, sunod ang mga karatig lalawigan nito sa pinaka nangangailangan ng bakuna dahil sa dami ng mga positibong kaso lalo’t higit sa mga manggagawa.
Aniya sa isang Tweet, “Forgive me for my frustration. I just hope that whoever is in charge on the national level finally realize the urgency of our situation.”
“Cavite is directly next to NCR. Kami na nga yung hinawahan at kami din yung walang vaccine. Tapos ang sisi ng tao sa LGU. Kulang na lang lumuhod kami tuwing may alignment meeting sa zoom pero wala talaga. “We will get back to you,” ang sagot nila,” dagdag pa niya sa sunod na Tweet.
Source: GMA News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Bawas-presyo sa petrolyo, ipatutupad simula ngayong Martes

Magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng malaking bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Marso 22. Magkakasunod na inanunsyo ng mga kompanya ng langis sa bansa ang pare-parehong halaga ng itatapyas nila sa kanilang mga produkto at...

P1 Milyon cash gift, ipagkakaloob sa Pinoy na aabot sa 101 taong gulang

Isinumite na ng Special Committee on Senior Citizens sa Kongreso ang panukalang pagkalooban ng P1 milyong cash gift ang mga Pilipino na aabot sa 101 taong gulang. Sa ilalim ng House Bill (HB) 7535, tatanggap ng P1 milyong cash gift at liham ng pagbati mula sa Pangulo...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inumpisahan na

Magpapatupad na ng dagdag-bawas sa mga presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula nitong martes, ika-14 ng Marso 2023. Sa anunsiyo ng kumpanyang Shell, may dagdag na ₱1 ang kada litro ng gasolina. May bawas naman sa kada litro ng diesel...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.