Isang empleyado na group lider ng kanilang kumpanya ang inaresto matapos mahuli sa loob ng suot niyang brief ang mga ninakaw nitong items ng kanilang pabrika,kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Naaresto sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang suspek na si Severino Ang, 36, group leader ng  ROHM Electronics Phillipines Inc., na matatagpuan sa Brgy.Maduya ng bayang ito.a

Sa imbestigasyon, humingi ng tulong sa pulisya  ang pamunuan ng kumpanya upang magkasa ng entrapment laban sa suspek dahil sa nakatanggap ng sumbong sa hindi nagpakilalang caller na may ginagawang anomalya ang kanilang group lider.

Nagsagawa ng pagre­kisa ang  pabrika, alas-7:00 ng gabi sa  mga emple­yado at dito ay­ ­narekober sa suot na brief ng suspek ang 7  plastic silver paste  (AG) na may timbang na  900 grams na may ­halagang P137,000.00.

Matagal na pala umanong ginagawa ng suspek ang maglabas nang kung anu-anong mamahaling materiales mula sa pabrika.

Source: Phil Star

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.