Inatasan ng Department of the ­Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials na magsumite ng listahan ng mga hindi pa bakunadong residente sa kanilang nasasakupan.
Sa Laging Handa public briefing kahapon, kinumpirma ni DILG Undersecretary at Spokesperon Jonathan Malaya na nagpalabas na si Interior Secretary Eduardo Año ng kautusan para ipatupad ang restriksiyon sa galaw ng mga tao na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

“Nagpalabas po si Secretary Año ng memorandum circular para magsagawa ang lahat ng mga barangay sa buong bansa para malaman ‘yung hindi pa nagpapabakuna sa barangay,” ayon kay Malaya.

Alinsunod aniya ito sa pahayag ni Pang. Rodrigo Duterte na limitahan ang galaw ng mga unvaccinated individuals.

Sinabi ng opisyal na kung available na ang inventory, maaari nang magpatupad ang mga barangay ng restriksiyon sa mga ‘di pa bakunado sa pamamagitan ng ordinansa.

Dagdag pa aniya, ang naturang inventory ay ipapasa sa DILG kada buwan.

Sa Metro Manila, tanging ang mga lungsod na lamang ng Pasig, Makati, at Navotas ang hindi pa nagpasa ng ordinansa hinggil sa ­restriksiyon.

Ani Malaya, inaasahan din niyang ang iba pang LGUs sa ibang lugar ay magpapasa na rin ng kahalintulad na ordinansa matapos na magpalabas na ang League of the Provinces of the Philippines ng resolusyon hinggil dito.

Source: Phil Star
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.