Pinalawig pa ng Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) ng 90 araw ang deadline ng SIM card registration.

Ito’y matapos ang pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng DICT at kay Justice Secretary Crispin Remulla kahapon sa Mala­kanyang.

Ngayon, Abril 26 sana ang deadline ng SIM card registration.

Ayon kay Remulla, palalawigin ang deadline para mabigyan ng pagkakataon ang publiko na mairehistro ang SIM card.

Pero babala ni Remulla, sa mga hindi pa rin magagawang iparehistro ang kanilang sim number sa naturang ekstensyon ay puputulan na ng koneksyon.

Kaya paalala ni Remulla, samantalahin na ng mga phone users ang ekstensyon at kung hindi pa rin magagawa ay maaaring maputol ang kanilang access sa telepono sa social media.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Iniulat ng National Telecommunications Commission (NTC) na hanggang noong Abril 23, 2023, mahigit 82 milyong SIM ang nairehistro, na kumakatawan sa 49.31 porsiyento ng mahigit 168 milyong aktibong SIM sa bansa.

Mula sa 82 million re­gistered SIM, higit 37 million ang Globe subscribers, mahigit 39 million ang Smart subscribers at mahigit 5 million ang Dito subscri­bers.

Target ng DICT na mairehistro ang 70% ng mga aktibong SIM sa loob ng 90-araw na extension.

Ang Republic Act No. 11934 o ang SIM Registration Act na nilagdaan ni Marcos noong Oktubre 10, 2022 ay naglalayong pigilan ang nakakaalarmang pagkalat ng mga spam message at scam sa pamamagitan ng short messaging services (SMS) o text sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Philippine star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panukalang 150 na dagdag sahod, inaprubahan na sa Senado

Aprubado na sa Senado ang panukalang P150 across the board wage increase sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri na may akda ng Senate Bill No. 2022 o ang Across-the-board Wage Increase Act, ang nasabing...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.