Isang 10-anyos na lalaki na lumpia vendor ang ninakawan ng isang kawatan sa Caliasao, Pangasinan, tangay ng kawatan ang P800 na kita sa pagtitinda at ang cellphone ng biktima.

Ayon sa biktima, nitong Lunes, isinama siya sa isang lugar ng lalaking nagpakilalang kagawad ng barangay at kakilala ng kanyang lola, dito na nga nagawang kunin ng lalaki ang kanyang cellphone at nagsabing tatawagan ang kanyang lola, ilang sandali pa ay hindi na nagpakita ang lalaki, tangay nito ang P800 na pinagbentahan ng lumpia at pagkain ng biktima.

Ang cellphone na natangay ay pinagipunan ng biktima para gamitin sa kanyang online class.

“Sana kung nakikita n’yo ‘to ‘wag n’yo na pong ulitin sa iba po,” ani ng biktima.

Sa ngayon naghahanap ng CCTV footage ang pulisya para makatulong sa imbestigasyon ng nasabing insidente.

Source: GMA News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

TAAL VOLCANO, ITINAAS SA ALERT LEVEL 2!

Itinaas sa Alert Level 2 (Moderate Unrest) ang Taal Volcano ngayong araw ng Martes, Marso 9, 2021. Ito ay matapos makapagtala ng 28 volcanic tremor episodes, 4 na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake sa distansyang hindi lalayo sa...

Dating Governor Ayong Maliksi, Pumanaw Na

Ayon sa Facebook post ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, pumanaw na ang dating Gobernador na si Ayong Maliksi. Sa Facebook post ni Aguinaldo, ipinarating nito ang pakikiramay sa biglaang pagpanaw ni Maliksi."Taos-puso po akong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at sa...

TATLONG DRUG SUSPEK SA CAVITE, PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULISYA

Tatlong drug suspek ang nasawi matapos di umano ay manlaban sa ginawang buy-bust operation ng Cavite Police. Ayong kay Col. Marlon Santos, hepe ng Cavite police ang mga napatay na suspek ay pinaghihinalaang tulak ng droga at kinilala na sina Warlito Sinsay, Rene...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.