Sa kabila ng banta ng Coronavirus sa bansa, plano ng Commission on Higher Education (CHED) na ituloy ang pisikal na klase sa buwan ng Hulyo para sa mga kolehiyo at unibersidad sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ o Modified General Community Quarantine. Kasalukuyan na umanong gumagawa ng paraan ang CHED kung paano ito mailulunsad sa susunod na buwan.

Ayon kay CHED chairperson Prospero de Vera nitong Martes, plano nilang magsagawa ng “test run” sa kalagitnaan ng Hulyo para sa mga Modified General Community Quarantine (MGCQ) areas sapagkat ito ang mga lugar na pinakamaluwag at mababa ang panganib ng pagkalat ng Coronavirus disease.

Ayon din dito, nakataktdang isumite sa susunod na linggo sa Inter-agency Task Force on Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang kopya ng isinasagawang guidelines para sa planong ito.

“May kombinasyon ka ng limited face-to-face at saka mayroon kang online or limited face-to-face at saka mayroon kang offline doon sa mga lugar na walang connectivity. ‘Yan ang pinaghahandaaan natin kasama ng ating mga eksperto.” ayon kay De Vera.

Ang ilan sa mga iminumungkahi nilang patakaran ay ang paglalayo ng mga upuan sa mga silid-aralan at pagsunod sa health measures para sa mga kainan. Kailangan ding sumunod ng paaralan sa protocol ng Department of Health upang maiwasan ang posibilidad na pagkalat ng sakit.

 

‘Yan ang binanggit ni De Vera kahit na desidido si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpigil ng mga face-to-face classes — lalo na sa mga bata — habang wala pang bakuna laban sa COVID-19.” ayon dito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang naitalang 31,825 kabuuang kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa kung saan 8,442 ang gumaling na at 1,186 naman ang nasawi.

Source: PhilStar

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.