Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

CAVITE – Hindi nakabuo ng consensus o pagkakasunduan ang mga gobernador ng Calabarzon para isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang rehiyon, ayon sa gobernador ng probinsiyang ito.
Sa panayam sa telepono, sinabi ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na nagpulong ang mga gobernador at kinatawan ng Department of the Interior and Local Government at Department of Health noong Lunes kaugnay ng restriksyon sa mga lalawigan sa gitna ng paglobo ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay Remulla, kinuwestiyon sa pagpupulong ang kakayahan ng national government na suportahan ang mga lokal na pamahalaan sakaling isailalim din sa ECQ ang Calabarzon.
“Wala kaming consensus so far but I just talked to USec. Densing and they will confer with IATF and DBM kung ano ang status ng finances ng national government kung kaya nilang i-sustain ang magkaroon ng ECQ dito sa Calabarzon,” ani Remulla.
Isasailalim sa ECQ ang Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20, habang General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions naman sa Cavite at Rizal hanggang Agosto 15, GCQ sa Batangas at Quezon hanggang Agosto 31, at Modified ECQ sa Laguna hanggang Agosto 15.
Sa Cavite, tutol si Remulla na isailalim ang lalawigan sa ECQ, pero tatalima naman umano siya kung ano man ang desisyon ng Interagency Task Force (IATF) on COVID-19 response.
“Ang mahirap dito, but I’m not in favor of, is stopping the production in our export zones. Kasi very critical sa economy namin iyan eh,” ani Remulla.
“We are left with whatever IATF tells us. So, so far kami, GCQ with heightened restrictions pero ang hula ko, hula lang ‘to ha, tingin ko, masasama kami sa ECQ,” dagdag niya.
Ayon kay Remulla, mula noong nakaraang linggo ay nasa 400 hanggang 600 na ang mga arawang kaso sa Cavite at umaabot na rin sa 80 porsiyentong okupado ang ilang ospital sa lalawigan.
Kabilang sa mga may pinakamatataas na kaso ng COVID-19 sa Cavite ang Dasmariñas, Bacoor, Imus, General Trias, at Silang.
Source: ABS-CBN News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.