Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Kilala ang Bayan ng Carmona sa mga programang nagsusulong ng pangangalaga ng kalikasan at pananatili ng kaayusan at kalinisan sa kapaligiran.

Isa na rito ang “Basura Palit Gamit atbp.” na naglalayong mabawasan ang basura sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga indibidwal na itabi ang kanilang recyclables na maaaring ipalit sa basic commodities, gamit eskwela, at pera. Ito ay nagsimula noong taong 2008 sa pamumuno ng dating punongbayan at ngayon ay congresswoman na si Dr. Dahlia A. Loyola.

Ang mga nais na lumahok sa programang ito ay binibigyan ng passbook na magsisilbing record o talaan ng mga transaksyon. Kapag ang indibidwal ay nakaipon na ng recyclable waste, maaari nang dalhin ang mga ito sa Central Material Recovery Facility (MRF) sa Carmona Ecology Center, Barangay Lantic. Ang bawat kilo ng recyclables ay may katumbas na kagamitan o cash incentive. Sa pamamagitan nito, nababawasan ang basura na itinatapon sa sanitary landfills.

Katuwang sa nasabing programa ang mga miyembro ng Samahan ng Nagkakaisang Kababaihan ng Carmona Inc. (SNKCI) na namamahala sa pagpapatakbo ng MRF. Gayundin, ang SNKCI ay gumagawa ng iba’t-ibang produkto na mula sa recyclable materials na nagbibigay kabuhayan sa mga kababaihan. Isa sa mga gawang produkto ng SNKCI ay ang mga eco-friendly bag na gawa sa patapong juice packaging at tarpaulins. Ang mga ito ay tinaguriang “Ecobag ni Mayor Loyola” na nagtataguyot ng paggamit ng ecobags sa halip na plastik.

Kaugnay ng mga nabanggit ang patuloy na panghihikayat ng Pamahalaang Bayan sa mga residente na maging responsableng mamamayan sa pagtatapon ng basura. Noong 2013, inilunsad ang “Ako Basurero Campaign” na naglalayong turuan ang mga mag-aaral tungkol sa wastong pagtatapon o segregation ng basura. Bahagi ng programa ay ang pagbisita ni Bnoy (official mascot) sa mga paaralan, pangangalap ng signature campaign, pamamahagi ng IEC materials at oath taking upang mahikayat ang mga kabataan na maging responsable sa kanilang mga basura.

Source and Photo courtesy by Municipality of Carmona, Cavite Facebook Page

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.