Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Hindi akalain ng isang balut vendor mula sa Rosario, Cavite na makakatanggap siya ng malaking surpresa bago ang Father’s Day ngayong darating na Linggo, Hunyo 20, 2021.

Si Tatay Raymond Malandras, residente ng Brgy. Wawa 3, Rosario, ay 8 taon ng nagbebenta ng balut sa kanilang lugar upang maitaguyod ang sariling pamilya. Gamit ang lumang bisikleta ay matiyagang nag-iikot si Tatay Raymond na marami ng suki dahil sa pagiging masayahin at mabait.

Ngunit hindi niya inaasahan na isa sa kaniyang suki ang magbibigay sa kanya ng sariling motorisklo at P10,000 halaga ng pera bilang surpresa. Alam ni Mike Evander, nagbigay tulong, ang pagod, hirap, at sakripisyo ni Tatay Raymond para sa kaniyang pamilya kaya’t hindi siya nag dalawang isip na kausapin ang isang kaibigang negosyante na si Renz Mateo upang makapagbigay tulong.

Isang Honda Wave Dash at P10,000 pinansyal na tulong para sa misis na nagda-dialysis ang nakuha ni Tatay Raymond mula sa mga mabubuting suki.

“Sana makatulong ang motor na yan sa kanyang paglalako ng balot at yang halagang 10k ay kahit papano ay makatulong sa kanyang asawang may sakit” mensahe ni Renz Marlon Mateo.

“Maraming-maraming salamat talaga sa suki kong si Mike Evander at naging tulay siya upang matulungan ako ni Sir Renz Marlon. Malaking tulong po ito sa aming pamilya”, emosyonal na pasasalamat ni Tatay Raymond sa mga nagbigay ng tulong sa kanilang pamilya.

Source and photos: Epipanio Delos Santos Avenue

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.