Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Photo Courtesy: Lampara Books

Isang bagong librong pambata na pinamagatang “Ako Ay May Titi” ang viral at patok ngayon sa social media. Layon ng librong ito na maturuan ang mga batang lalaki kung paano ang tamang pag-aalaga sa kanilang ari.

Ayon sa local publishing house na Lampara Books, ang aklat ay isinulat ni Genaro R. Gojo Cruz at isinalarawan naman naman ni Beth Parrocha. Matutulungan umano nito ang mga magulang na ipaliwanag sa mga bata ang maselang bahagi ng katawan nito sa pamamagitan ng storya.

“Ang mga bagay na hindi alam ng mga bata ay hindi nila mapahahalagahan at maiingatan,” ayon sa Facebook post ng Lampara.

“Tulad ng mga mata na hindi dapat tusukin, at mga kamay na dapat laging hugasan, may mga iba pa tayong bahagi ng katawan na dapat kilalanin at bigyang pansin,” dagdag nila.

“Nakasanayan na kasi natin na mahiya sa usapin ng bahaging ito ng katawan pero paano malalaman ng mga batang lalaki ang pag-iingat sa kanilang titi kung hindi natin sila tuturuan,” pahayag ng Lampara.

Maaaring mabili ang kopya ng “Ako ay May Titi” sa Shopee sa halagang P95.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.