Sa isang online na pagpupulong ng COVAX TEAM ng lungsod ay naireport ng mga doktor na may mga residente ng Lungsod ng Dasmariñas at ilang indibdwal na sa lungsod nagtatrabaho na peke ang mga hawak na vaccination cards. Ito ay kanilang kinuhaan ng litrato at inireport sa pagpupulong. Mariin na tinututulan ng ating pamunuan ang ganitong gawain kaya sa pangunguna ng bagong hepe ng PNP Dasmariñas na si PLTCOL Sherwin Boy Maglana ay mabilis na ikinasa ang isang entrapment operation.
Kaya naman noong Lunes, January 17, residente ng Barangay Salawag, ay nahuli sa aktong nagbebenta ng pekeng vaccination cards sa halagang Php 1,000.00 bawat isa. Napag-alaman na vaccination cards ng Lungsod ng Maynila ang pinipeke ng salarin na kasalukuyan nang nakapiit. Pinaaalalahanan ang lahat na ang mga vaccination card ay makukuha lamang sa mga designated vaccination sites sa ating lungsod matapos na mabigyan ng unang dose ng anumang vaccine. Tandaan na ang paggawa at pagbebenta ng pekeng vaccine card ay may karampatang parusa sa ilalim ng batas.
Source: Mayor Jenny Austria-Barzaga
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.