Isang negosyanteng misis ang malubhang nasugatan matapos barilin sa harap mismo ng kanyang mister ng isa sa tatlong fish vendor na kanyang kaalitan kamakalawa sa Barangay Labac, bayan ng Naic, dito.

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang biktima na nakilalang si Cristina Tibo, 45 an­yos, isa ring fish vendor at residente ng Brgy. Labac, Naic, Cavite.

Agad namang naaresto ang tatlong suspek na nahaharap sa frustrated homicide na sina Jobert Paco, 21-anyos; Elwood Formanes, 42-anyos at John Richmon Palado, 24; pawang mga residente ng Brgy. Labac, Naic, Cavite.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7:50 ng umaga habang kasama ng biktima ang kanyang mister nang makaengkuwentro nito sa Hulog Langit Compound sa nasabing barangay ang tatlong suspek.

Bigla na lamang uma­nong nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at mga suspek dahil sa hinihinalang negosyo sa kanilang pagtitinda ng mga isda.

Agad na bumunot ng baril ang suspek na si Pa­lado at binaril ang biktima na duguang bumagsak sa lupa.

Mabilis na naitakbo sa pagamutan ang ginang habang dinakip ng mga rumespondeng awtoridad ang mga suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Phil Star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.