Nalaglag sa mga kamay ng pulisya ang 41-anyos na babae sa inilatag na entrapment ope­ration matapos umanong kikilan nito ang isang akti­bong barangay chairman kamakalawa ng hapon sa Brgy. Tabon 2, Kawit,

Kinilala ng Kawit Police ang suspek na si Cristina Daffon, residente ng Brgy. Toclong, Kawit, Cavite.

Sa salaysay ni Chairman Ernesto Borromeo Solis Jr., 47-anyos, residente at kapitan ng Brgy Kaingen, sa Kawit sa pulisya, nakatanggap siya ng sunud-sunod na text messages na may pananakot mula sa ‘di nag­pakilalang texter, at may ilalabas umano itong pasabog laban sa nasabing kapitan.

May mga ie-expose umano ang suspek na makakasira sa reputasyon ng tserman kapag hindi ito nagbigay ng halagang P25,000 pesos.

Agad na nagtungo sa pulisya ang nasabing kapitan at nagharap ng reklamo at nagpatulong na mahuli at makilala ang texter.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Dakong alas-2 ng hapon, nagkasundo ang kapitan at suspek na magkikita upang diumano’y ibigay nito ang halagang hinihingi ng huli.

Sa parking area ng isang supermarket sa Brgy.Tabon 2 ng nasabing bayan, napagkasunduan ang pagkikita ng dalawa, na lingid sa suspek ay nakapa­ligid na sa area ang puwersa ng Intelligence Unit ng Kawit Police.

Pagdating ng suspek sa nasabing lugar, agad siyang lumapit kay kapitan upang kunin ang pera. Nang ma­iabot na ang pera, dito na agad sumenyas si kapitan at pinalibutan ang suspek na nabigla sa pangyayari.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Philstar
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.