Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Ayon sa Facebook post ni Mayor Roy Loyola nitong Lunes

Ikinalulungkot po naming ipabatid sa inyo na mayroon nang naitalang kaso ng FIRST COVID-19 DELTA VARIANT sa Bayan ng Carmona. Siya po ay isang OFW na kararating lang sa ating bayan.

Ang impormasyong ito ay naipaabot sa aking tanggapan at sa Municipal Health Office KAHAPON, JULY 25. Ang pasyente ay nakarating sa bansa noong June 26. Agad siyang sumailalim sa 7-day quarantine sa isolation facility sa Clark kung saan siya ay napag-alamang positibo sa COVID-19. Pagkatpos ay nagsagawa rin siya ng 7-day quarantine sa isolation facility sa Tarlac. Dineklara siyang RECOVERED matapos ang 14 days at pinayagan nang makauwi sa Carmona noong July 13.

Bagama’t RECOVERED na, sumailalim pa rin siya sa panibagong 7-day quarantine sa kanyang tahanan sa Carmona bilang additional precautionary measure.

Nang malaman na siya ay isang Delta variant case, agad siyang dinala ng MHO sa isolation facility at ang kanyang mga close contact. Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng contact tracing ng MHO.

Pinaaalalahanan po ang lahat na mahigpit na sumunod sa minimum public health standards upang makaiwas sa COVID-19.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan sa Department of Health para sa mas maraming supply ng bakuna. Sa ngayon po ay may mahigit 16,000 nang nabakunahan sa ating bayan. Ipinapaunawa sa lahat na ang bilang ng mga nababakunahan ay nakadepende sa supply mula sa national government. Ramdam po sa buong Pilipinas ang kakulangan ng bakuna at hindi lang po ito sa Bayan ng Carmona.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.