Limang Korean National ang ninakawan sa loob ng kanilang bahay ng hindi pa nakikilalang mga suspek noong Linggo sa lungsod ng General Trias Cavite.

Sa ulat ng Cavite police, sinabi ng mga biktima na kinilala bilang sina Kidae Lee, 61; Byeongjun An, 55; Seonghwan Lee, 54; Hyoungwoo Kim, 43; at Seonghoon Kim, 51, na pinagnakawan ang sila sa loob mismo ng kanilang bahay sa Eagle Ridge Subdivision, Barangay Javalera.

Armado umano ng airsoft replica ng 9mm pistol ang isa sa mga suspek nang puwersahang pasukin ang bahay bandang alas-3:30 ng madaling araw.

Pagkapasok ay nanlaban umano ang isa sa mga biktima sa isa sa mga suspek ngunit nasugatan ito ng basag na salamin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Sa naturang insidente ay kinuha umano ng mga magnanakaw ang isang bag ng mga biktima na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng pera at mahahalagang gamit, at saka kaagad na umalis sa lugar, ayon sa pulisya.

Samantala, narekober ng mga awtoridad sa isang follow-up operation ang bag ng mga biktima malapit sa kanilang lugar, na sinasabing naglalaman ng “lahat ng mga ninakaw” at maging ng replica na baril na ginamit ng mga suspek.

Hindi naman ipinaliwanag sa ulat kung bakit naiwan ng buo ang naturang bag na tinangay ng mga magnanakaw.

Sinusuri na ngayon ng mga imbestigador ang footage mula sa mga security camera sa lugar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Manila Bulletin
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.