Nasa 30 estudyante na mga biktima umano ng sexual harassment sa isang high school sa Bacoor ang sinusubukang kausapin ng CHR para makuha ang kanilang affidavit, sabi ngayong Huwebes ng regional director ng komisyon na si Rexford Guevarra.
Handa rin umano ang CHR na tulungan ang mga estudyante na magsampa ng kaukulang kaso, at bigyan sila ng psycho-social at financial assistance kung kinakailangan.
“We will evaluate their cases when we gather their affidavits. And we can also assist them in filing the necessary charges,” ani Guevarra.
Nababahala rin si Guevarra dahil hindi ito ang unang insidente ng sexual harassment sa paaralan sa rehiyon na kanilang natanggap.
“There’s another one in Laguna na amin din siyang ini-investigate. So, very alarming kasi parang dumadami siya,” aniya.
Sa isang press conference, hinimok din ni Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa ang mga biktima na maghain ng pormal na reklamo para mapalakas sakaling may gugulong na kaso.
“Although nagtutuloy iyong imbestigasyon natin, ang problema is walang masyadong mga complainants na nagpa-file ng kanilang affidavits,” ani Poa.
Kumalat ang mga screenshot ng mga mensahe ng mga guro sa mga estudyante na mistula umano silang sinusubukang pagsamantalahan.
Mayroon ding nag-alok ng pera at gustong makipagrelasyon sa estudyante.
Ayon sa schools division office (SDO) ng DepEd sa Bacoor, 7 guro ang isinailalim sa imbestigasyon dahil sa reklamong sexual harassment.
Hindi muna pinagtuturo ang mga akusadong guro.
Nakipagpulong na rin si DepEd Sara Duterte sa child protection unit ng kagawaran para mapalakas ang programa na layong masawata ang pang-aabuso sa mga eskuwelahan.
Sa Senado, nakatakda ring talakayin ang mga isyu ng harassment at pang-aabuso sa mga eskuwelahan sa pagdinig kasunod ng inihaing resolusyon ni Sen. Risa Hontiveros.
SHARE ON SOCIAL MEDIA
Cavite COVID-19 Tracker
Other Stories
Bawas-presyo sa petrolyo, ipatutupad simula ngayong Martes
Magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng malaking bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Marso 22. Magkakasunod na inanunsyo ng mga kompanya ng langis sa bansa ang pare-parehong halaga ng itatapyas nila sa kanilang mga produkto at...
P1 Milyon cash gift, ipagkakaloob sa Pinoy na aabot sa 101 taong gulang
Isinumite na ng Special Committee on Senior Citizens sa Kongreso ang panukalang pagkalooban ng P1 milyong cash gift ang mga Pilipino na aabot sa 101 taong gulang. Sa ilalim ng House Bill (HB) 7535, tatanggap ng P1 milyong cash gift at liham ng pagbati mula sa Pangulo...
Dagdag P150 sa kada araw na sahod sa lahat ng manggagawa, isinusulong ni Cong. Jolo Revilla
Isinusulong ni Conressman Jolo Revilla ang isang panukalang batas na magdadagdag ng halagang P150 na sahod sa lahat ng mga manggawa sa pribadong sektor sa buong bansa. Tinalakay ng House of Representatives Committee on Labor and Employment Sub-Committee on Labor...
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inumpisahan na
Magpapatupad na ng dagdag-bawas sa mga presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula nitong martes, ika-14 ng Marso 2023. Sa anunsiyo ng kumpanyang Shell, may dagdag na ₱1 ang kada litro ng gasolina. May bawas naman sa kada litro ng diesel...
