Naganap ang insidente nitong Miyerkules, Mayo 04, 2021 sa Mati City, Davao Oriental. Narito ang ilang pahayag mula sa ABS-CBN News.

“Nagdadalamhati ang pamilya Cercado sa Mati City, Davao Oriental dahil sa pagpanaw ng 2 taong gulang nilang miyembro na si Ash. Noong Miyerkoles, binawian ng buhay si Ash matapos malunok nang buo ang isang jelly candy. Isinugod pa ang bata sa St. Camillus Hospital. Kuwento ng inang si Kristine Cercado, nasa trabaho siya noon sa bayan ng Baganga, na 2 oras ang layo mula sa Mati, kaya naiwan ang bata sa pangangalaga ng lola nito.”

“Tumawag ang nanay ko sa akin na umiiyak. Sinabihan niya ako na nabulunan ng candy ang bata,” kuwento ni Kristine. Kinausap pa ng ina si Ash habang nasa emergency room, kung saan natanggal rin ang kendi na bumara sa kaniyang lalamunan.

“Pero bago pa man mailipat sa ward, hindi na aniya humihinga ang bata. Sinubukan pa umanong isalba ng mga doktor at nars si “Ash” pero hindi na umano nito nakayanan. “Gumuho ang mundo ko sa pagkawala niya,” sabi ni Kristine, na inilarawan ang kaniyang anak bilang mabait at malambing. Bumuhos naman ang pakikiramay at tulong sa pamilya sa pamamagitan ng social media. Nakatakdang ilibing si Ash sa Mayo 8.”

Source: ABS-CBN News
Photo courtesy by ABS-CBN News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

CHED, Face to Face Classes para sa Engineering at IT

Ang sunod na batch ng magkakaroon ng face to face na klase ay pinaplano na ng CHED lalo na ang mga kursong kailangan ng hands on na aktibidad tulad ng Engineering, Information Technology, Industrial Technology at Maritime. Pinag-aaralan na ito ng CHED o Commission on...

Alimango Kapalit ng Serbisyo ng Abogado

Kumalat sa social media ang post ni Atty. Noel Allan Bose kung saan ikinuwento niya kung bakit siya may hawak na bugkos ng mga alimango sa labas ng court room. Kuwento ni Atty. Bose, matapos ang isang hearing ay nakiusap ang kaniyang kliyente kung puwede ay mga nahuli...

Libreng Konsulta at Vitamins sa Kawit

Patuloy ang arangkada ng Doktor Sa Barangay project! nitong Hunyo 18, 2021, Huwebes, inihatid naman ito sa kanilang mga kababayang Kawiteño sa Rockwell Classic Homes kasama si Dra. Claudette Pulido. Ito rin ay para maibsan ang hinaharap ng ating mga healthcare...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.