Suspendido muna ang pagtuturok ng unang dose ng COVID-19 vaccines sa General Trias, Cavite dahil sa kawalan ng suplay. 

Sa anunsiyo ng lokal na pamahalaan, sinasabing hinihintay pa ang bagong alokasyon ng bakuna.

“Wala pong pagbabakuna ng 1st Dose ng COVID-19 vaccines hanggang Biyernes, September 24, 2021. Ito’y dahil hinihintay pa ang delivery ng mga bakuna mula sa Department of Health,” anila sa isang abisong inilabas gabi ng Martes. 

Pero tuloy naman ang pagtuturok ng ikalawang dose sa mga naka-schedule. Dalhin lang anila ang vaccination card. 

“Tuloy po ang pagbabakuna sa mga naka-schedule tumanggap ng 2nd Dose ng COVID-19 vaccines. Dalhin lamang ang inyong vaccination card at magtungo sa inyong designated vaccination site,” anila. 

Umaabot na sa 1.8 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa Cavite. 

Binabakunahan na rin sa probinsiya ang A5, pati na rin ang mga nasa B at C priority group.

Source: ABS CBN News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.