Kritikal sa pagamutan ang isang 16-anyos na estudyante makaraang barilin ng lasing na security guard kamakalawa ng gabi sa Tagaytay City.

Ang biktima na itinago sa pangalang Jon-Jon ay residente ng Brgy. Iruhin East, lungsod ng Tagaytay.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek na nakilalang si Leo Saratan, residente rin ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng Tagaytay Police, alas-6:30 ng gabi habang naglalakad umano ang suspek na nasa impluwensya ng alak nang madaanan nito ang biktima na nagce-cellphone lamang sa gilid ng kalsada.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Dito na umano walang sabi-sabing binaril ng suspek ang biktima na tinamaan sa tiyan. Duguang bu­magsak ang binatilyo, habang parang walang nangyari na naglakad lamang ang suspek patakas.

Agad na naitakbo sa Ospital ng Tagaytay ang binatilyo ng mga sumaklolo pero inilipat din sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City dahil sa maselang kalagayan at nakatakda ngayong operahan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Phil Star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.