Limang estudyante na kalalabas lang ng iskul ang sugatan matapos silang araruhin ng rumaragasang van na minamaneho ng isang aktibong pulis sa kahabaan ng Congressional Road sa Brgy. Poblacion 4, Gen. Mariano Alvarez, dito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na inoobserbahan sa Carsigma Hospital na sina Mark Christian Merillo, 16-anyos, ng Blk. 30 Lot 12, Brgy Pulido; Elijah Empas, 18, ng Blk 32 Lot 16, Brgy. Pulido; Hazel May Peñaflorida, 15, ng Blk 1 Lot 70, Brgy Poblacion 4; Princess Sarah Arao, 15, ng Blk 33 Lot 6 Brgy. Salud at Lee Cortez, 15, ng Brgy Olaes; pawang sa bayan ng GMA.

Hawak na ng pulis­ya ang suspek na si P/Staff Sgt. Anderson Alcaraz Videña, nakatalaga sa GMA Police Station at residente ng Brgy. Paligawan Silang Cavite.

Sa ulat, alas-5:45 ng hapon habang nagla­lakad ang anim na estudyante sa kahabaan ng Congressional Road ng Brgy. Poblacion 4 mula sa kanilang mga eskuwelahan at papauwi na nang bigla silang araruhin ng kulay pu­tting Nissan Urvan (AAQ 4143) na minamaneho ng naturang pulis.

Dahil sa malakas na pagkakasalpok, tumi­lapon ang mga biktima na agad namang sinaklolohan at naitakbo sa nasabing pagamutan.

Nakatakdang isailalim sa medical examination, alcoholic test at drug test ang nasabing pulis na dinisarma­han na. Kinumpiska rin ang kaniyang PNP ID hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon.
Source: Phil Star
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.