Kritikal ang isang lalaki matapos itong kuyugin at saksakin ng isa sa dalawang suspek dahil sa pagtanggi nitong makipag-jamming sa tsongke sa Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Johnny Bacrang, nasa hustong gulang na nagpapagamot pa sa isang ospital dahil sa tinamong sugat. Naaresto naman ang isa sa mga suspek na si James Joseph Canson habang pinaghahanap ang kasabwat nito na si alyas ‘Jerry’.

Sa ulat ni P/MSg. Edison Fetalcurin ng Bacoor City Police, naglalakad ang biktima sa harap ng Barangay hall ng Habay 2 sa Sagana Ave., Bacoor City nang alukin siya ng mga suspek na sumamang magtsongke sa kanila bandang ala-una ng madaling-araw.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Tumanggi ang biktima dahilan para mapahiya at magalit ang mga suspek. Sumakay ng pedicab ang biktima pero sinundan siya ni Canson at pinagsasaksak habang nagsilbing lookout si alyas ‘Jerry’.

Narekober kay Canson ang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit nito sa pananaksak sa biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Abante News (Gene Adsuara)
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.