Sa gitna nang kinakaharap na kakulangan ng mabibiling over-the-counter drugs ng publiko gaya ng mga paracetamol, nakum­piska ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Intelligence Service Armed Forces Of the Philippines (ISAFP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang may P30 milyong halaga ng mga counterfeit medicines, gaya ng Biogesic, Neozep, Bioflu, Immunpro, Ivermectin, Phenokinon F Injection, Medicol, Planax, Alaxan FR, MX3 at iba pa, sa isang operasyon nitong Enero 5, 2022. Base sa sertipikasyon mula sa Food and Drug Administration (FDA) at Unilab Pharmaceuticals, na siyang gumagawa ng market-lea­ding paracetamol brand na Biogesic, nakumpirmang peke o counterfeit ang mga naturang medisina. Ang mga counterfeit medicines ay nakalagay sa mga karton na may tag na Chinese characters at nadiskubre sa dalawang storage na matatagpuan sa 7434B at 7434C Highland St., Marcelo Green Village at 27 Pearl St., Severina Subdivision, Km 18, Brgy. Marcelo, kapwa sa Parañaque City.
Naaresto rin ng grupo ang suspek na si Adel ­Rajput, isang Pakistani national, 31, at residente ng Caloocan City. Ang suspek ay dinala na sa Parañaque City Prosecutors’ Office at nahaharap sa patung-patong na kaso.
Si Alvin Enciso, Intelligence Officer II at hepe ng CIIS-MICP, ang nanguna sa implementasyon ng Letter of Authority (LOA) kasama ang Mission Order na nilagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero. Noong Nobyembre 24, 2021, nakakumpiska rin ang BOC ng mga pekeng medisina mula sa isang bodega sa Pasig City na may brand name na Alaxan, Tuseran Forte, Propan, at Diatabs at may estimated value na P50 milyon. Dismayado naman si Guerrero dahil nagagawa pa aniya ng mga kriminal na samantalahin ang pandemya para sa sarili nilang kapakinabangan.
Source: Philstar
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.