Dead-on-the-spot ang isang babaeng guro nang malapitang barilin sa ulo sa tapat ng kanyang bahay ng isa sa limang suspek, kamakalawa sa Brgy. Salaban, Amadeo, Cavite.
Kinilala ang nasawi na si Normita San Juan Bautista, nasa hustong gulang, school teacher ng Tagaytay National High School at residente ng nasabing lugar.

Ang mga suspek na naaresto ay nakilalang sina Amanda Siresena Karunasinghe, 59; Celina De Luna, 51, isang dating guro; Antonio Romeroso, 53; Benidic Cabasi, 43; at Mark Romeroso, 21, pawang mga residente ng Purok 3, Brgy. Lalaan 2nd, Silang, Cavite.

Lumalabas na ang motibo ng pagpatay sa biktima ay tungkol sa pag-aaring bahay at lupa nito na kung saan ang mga suspek ay nangungupahan sa kanya at ibinenta na walang kamalay-malay ang una.

Nang malaman ito ng biktima ay nagalit ito na nauwi sa mainitang pagtatalo dahilan upang palayasin nito ang mga suspek sa kaniyang bahay.

Dito na pinagplanuhan ng mga suspek ang pagpatay sa biktima at umupa pa ng gunman na siyang bumaril sa biktima. – Ed Amoroso

Source:Phil Star
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.