Isinagawa nitong Linggo ang final testing at sealing ng mga vote counting machine sa Amaya Elementary School na gagamitin sa special election sa Cavite sa Pebrero 25.

Pinangunahan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang inspeksiyon sa testing sa Amaya Elementary School sa Tanza.

Ilang beses nagkaroon ng paper jam sa makina, na mismong naranasan din ni Garcia nang bumoto siya.

Pero nilinaw ni Garcia na minor glitch lang ang paper jam at walang epekto ito sa bilang ng boto.

“Sinubukan po natin ‘yung iba’t ibang klaseng pamamaraan ng pagboto. May nagsulat pa ng drawings, ‘yung iba hindi bumoto, ‘yung iba naman ay bumoto ng lahat ng mga pangalan. At lahat po ‘yun, nakita ng ating makina,” ani Garcia.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
“Ang pinaka-importante po doon, kahit nagka-paper jam, kapag nag-print ang vote counting machine ng resibo, naka-reflect pa rin kung sino ‘yung binoto,” dagdag niya.

Nasa 426 vote counting machines ang gagamitin sa 75 voting centers sa mga bayan ng Amadeo, Indang, Tanza, at lungsod ng Trece Martires.

Pagbobotohan sa Pebrero 25 ang magiging kinatawan sa Kamara ng ika-7 distrito ng Cavite, na nabakante matapos italagang kalihim ng Department of Justice si Jesus Crispin Remulla.

Kandidato ang anak ni Remulla na si Crispin Diego o “Ping” na nagsilbi ring board member ng distrito, at tumatakbo sa ilalim ng National Unity Party.

Kalaban niya sina dating Trece Martires Mayor Melencio “Jun” De Sagun, at independent candidates Jose Angelito Aguinaldo at Michael Angelo Santos.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: ABS-CBN News
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.