Hindi na masusundan pa ng ika-6 na season ang Money Heist matapos opisyal na ianunsyo ng Netflix sa kanilang Twitter post na magwawakas na ang palabas sa season 5.

 

Nitong buwan ng Hulyo, inanunsyo ni Alex Pina na creator ng Money Heist na sinusulat na nito ang Part 5, 4 na buwan pagkatapos ilabas sa Netflix ang Part 4 nito.

Ayon kay Pina, sa paparating na season ay susubukan ng gang na ipaghiganti ang pagkamatay ni Nairobi na ginampanan ni Alba Flores. “We are moving from a chess game – a mere intellectual strategy – to a war strategy: attack and contention,” ayon dito.

Dalawang bagong karakter din ang inaasahang mapanood sa paparating na season. Ang mga aktor na madadagdag ay sina Miguel Angel Silvestre na kilala bilang “Lito” sa Sense8 gayundin si Patrick Criado.

Magsisimula naman ngayong Lunes ang produksyon nito sa Denmark na susundan din ng pagfilm nito sa Spain at Portugal.

Kasalukuyan namang mapapanood sa Netflix ang Season 1 hanggang Season 4 ng Money Heist.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

TAAL VOLCANO, ITINAAS SA ALERT LEVEL 2!

Itinaas sa Alert Level 2 (Moderate Unrest) ang Taal Volcano ngayong araw ng Martes, Marso 9, 2021. Ito ay matapos makapagtala ng 28 volcanic tremor episodes, 4 na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake sa distansyang hindi lalayo sa...

Dating Governor Ayong Maliksi, Pumanaw Na

Ayon sa Facebook post ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, pumanaw na ang dating Gobernador na si Ayong Maliksi. Sa Facebook post ni Aguinaldo, ipinarating nito ang pakikiramay sa biglaang pagpanaw ni Maliksi."Taos-puso po akong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at sa...

TATLONG DRUG SUSPEK SA CAVITE, PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULISYA

Tatlong drug suspek ang nasawi matapos di umano ay manlaban sa ginawang buy-bust operation ng Cavite Police. Ayong kay Col. Marlon Santos, hepe ng Cavite police ang mga napatay na suspek ay pinaghihinalaang tulak ng droga at kinilala na sina Warlito Sinsay, Rene...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.