Idineklara na nang Department of Health (DOH) na malaria-free na ang rehiyon ng CALABARZON matapos mukumpleto ang mga probinsyang wala nang kaso nito.

Ayon sa DOH, ang Rizal ang huling lalawigan sa rehiyon na nakamtan ang Malaria-free status nitong 2022.

Ang naturang status ay nakakamtan sakaling wala nang naitatalang kaso o zero transmission saa isang lugar sa loob ng limang taon.

Binigyang diin ng ahensya na ang status ay nakamtan dahil sa pagtutulungan ng 82 local government units katuwang ang public at private institutions at mga facilities.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Kaugnay ay hinamon ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire ang bawat lalawigan sa rehiyon na panatilihin ang Malaria-free status.

Ang sunod na aksyon umano ay “sustainability” o ma-sustain ang zero malaria cases sa kada lalawigan.

Ang malarya ay isang uri ng sakit na nakakahawa at napapasalin sa pamamagitan ng kagat ng isang lamok.

Nabatid na target ng Pilipinas na maging Malaria-free sa taong 2030.

Ipinagdiriwang naman ang World Malaria Day tuwing Abril 25 kada taon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Philippine star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.