Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Batay sa anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang official Facebook page, halos kalahati na ang natatapos sa pagsasagawa ng LRT 1 Cavite Extension. Ayon sa kanila, ang pagdaragdag ng 11.7 kilometrong extension sa LRT 1 ay nasa 47.77% nang kumpleto ngayong buwan ng Hulyo.

“After nearly two decades and three administrations, the construction for the LRT-1 Cavite Extension has finally commenced. The project is 47.77% complete as of July 2020.” pahayag ng DOTr.

Ipinaliwanag din nila na ang proyektong ito ay inaprubahan ng NEDA’s Investment Coordination Commitee noong Agosto 25, 2000 habang inaprubahan naman ng NEDA Board ang Implementing Agreement para sa proyekto noong Enero 22, 2002.

“Matapos ang halos dalawang dekada at makalipas ang tatlong administrasyon, nandito na ang lahat ng kailangan para umusad at matapos ang LRT-1 Cavite Extension.” pahayag nila.

Ang proyektong ito ay magkokonekta sa Baclaran at Niog sa Bacoor, Cavite. Mula umano sa  kasalukuyang 1 oras at 10 minutong biyahe mula Baclaran patungong Bacoor ay magiging 25 minuto na lamang ito sa oras na maging operational na ang nasabing proyekto. “With the help of the Light Rail Manila Corporation, this project, which will lengthen the existing LRT Line 1 from Baclaran to Niog in Bacoor, Cavite, will cut travel time from Manila to Cavite from 1 hour and 10 minutes to only 25 minutes. “

 

Mas madadagdagan umano ang kapasidad ng pasahero ng 800,000 sa isang araw sa LRT 1 na sa kasalukuyan ay nasa 500,000 lamang. Inaasahan naman na maging “partially operational” ito sa taong 2021.

 

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.