Arestado ang internet sensation at dating Hasht5 member na si Xander Ford nitong Martes, Disyembre 23, 2020.

Ang balitang ito ay kinumpirma ng kaniyang management na  Star Image Artist Management sa pamamagitan ng Facebook live nitong Martes ng gabi.

Batay rito, kasalukuyang nakakulong sa isang presinto sa Tondo, Maynila si Xander Ford matapos mabigyan ng warrant of arrest sa kasong isinampa ng dati nitong kasintahan.

Pahayag naman ng management nito, handa naman silang tulungan si Xander Ford kahit pa wala nang koneksyon at pakikipag-ugnayan sa kanila matapos nitong umalis sa kanilang poder.

Ngunit dagdag nila, kinakailangang managot si Xander sa oras na mapatunayang nagkasala ito.

Binigyang linaw naman ng management na hindi gimik o gawa-gawa ang pagkakaaresto sa artista.

Aalamin naman ng management kung maaaring makapagpiyansa si Xander habang dinidinig ang kaso upang makalaya ito.

Pakiusap din nila sa publiko, huwag agad husgahan si Xander Ford at hintayin munang lumabas ang resulta ng pagdinig sa kaso.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

23 Pasyenteng Nakatanggap ng COVID-19 Vaccine, Nasawi

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   23 katao ang namatay sa Norway ilang...

Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cavite, Muling Binabantayan

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Umabot na sa 194 COVID positive...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.