Opisyal na inanunsyo ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa kaniyang Facebook page nitong Miyerkules, Disyembre 23 na walang katotohanan ang kumakalat na tsismis kung saan ang Cavite ay magkakaroon muli ng lockdown ngayong kapaskuhan.
“Nitong mga nakaraang araw, maraming bali-balita na ang Cavite daw ay muling isasailalim sa ECQ dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa lalawigan.” ani Remulla.
Sa kaniyang post rin, ibinahagi nito ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
“Average for the last 16 days: 14.75” aniya.
“Siguro naman ay maaari na nating maipagmalaki na kahit papaano ay umangat ang antas ng pagmamasid at pag-iingat ng ating mga kalalawigan laban sa pandemya na nagparalisa sa ating lahat nitong 2020.” pahayag din ng gobernador.
Kaya naman, mariin nitong sinambit na hindi magkakaroon ng lockdown sa buong lalawigan ng Cavite.
“Ayon sa ating Provincial Health Surveillance Officer, ang Cavite po ay patuloy na mananatili sa MGCQ ngayong kapaskuhan.
Ngunit paglilinaw ng gobernador, ipinagbabawal pa rin ang mass gathering katulad ng Christmas party upang makaiwas sa sakit dulot ng COVID-19.
“Absolutely no Christmas parties or gatherings pa rin.” aniya.
Cavite COVID-19 Tracker
Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
Other Stories
23 Pasyenteng Nakatanggap ng COVID-19 Vaccine, Nasawi
Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement 23 katao ang namatay sa Norway ilang...
TRENDING: Maaari Nga Bang Kumita sa LYKA APP sa Pamamagitan ng Like at Follow?
Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement Ang Lyka app ay isang social media...
Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cavite, Muling Binabantayan
Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement Umabot na sa 194 COVID positive...
Nagkakahalagang 10M na Droga Nasabat, 3 Nigerian Nationals, Timbog sa Cavite!
Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement Timbog, ang tatlong Nigerian...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.