Naitala ang unang kaso na nasawi dahil sa bagong COVID-19 UK variant, isang 84-taong-gulang mula La Trinidad, Benguet.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na iniimbestigahan ngayon ng ahensya kung paanon nakuha ng biktima ang bagong variant ng COVID-19.
“Apparently, when we talked to our Regional Office, they said this person never went out and was just at home. There are no other contacts. So, we are looking into the source of infection and what the circumstances are.”ani Vergeire.
Sa kabuuang 25 na kaso ng COVID-19 UK variant, 22 ang gumaling na at 2 na lamang ang nanatiling aktibo. Karamihan ng nasabing kaso ay mula Bontoc, Mountain Province at La Trinidad, Benguet.
Dahil dito nagbaba ng ordinansa ang bayan ng La Trinidad, Benguet para sa istriktong pagsusuot ng face mask at face shield sa lungsod. Ang mga lalabag at huhulin at magmumulta ng P500 unang beses na paglabag, P1,500 sa ikalawang beses, at P2,500 para sa pangatlong paglabag.
Source: ABS-CBN News
SHARE ON SOCIAL MEDIA
Cavite COVID-19 Tracker
Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
Other Stories
TAAL VOLCANO, ITINAAS SA ALERT LEVEL 2!
Itinaas sa Alert Level 2 (Moderate Unrest) ang Taal Volcano ngayong araw ng Martes, Marso 9, 2021. Ito ay matapos makapagtala ng 28 volcanic tremor episodes, 4 na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake sa distansyang hindi lalayo sa...
Dating Governor Ayong Maliksi, Pumanaw Na
Ayon sa Facebook post ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, pumanaw na ang dating Gobernador na si Ayong Maliksi. Sa Facebook post ni Aguinaldo, ipinarating nito ang pakikiramay sa biglaang pagpanaw ni Maliksi."Taos-puso po akong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at sa...
PULISYA NAKIUSAP SA MGA TURISTA, MATAPOS LINISIN MULI ANG TAMBAK NG BASURA SA KAYBIANG TUNNEL
Ayon sa facebook post ng Cavite Provincial Mobile Force Company (CPMFC), nakiusap ang mga ito na kung sakaling bibisita sa Kaybiang Tunnel ay manyari lamang na wag basta iwanan ang mga basura. “Kami po na mula sa Cavite Provincial Mobile Force Company(CPMFC) sa...
TATLONG DRUG SUSPEK SA CAVITE, PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULISYA
Tatlong drug suspek ang nasawi matapos di umano ay manlaban sa ginawang buy-bust operation ng Cavite Police. Ayong kay Col. Marlon Santos, hepe ng Cavite police ang mga napatay na suspek ay pinaghihinalaang tulak ng droga at kinilala na sina Warlito Sinsay, Rene...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.