#BidaAngMayBakuna Update:
115,000+ COVID-19 Vaccines Administered!

Umabot na sa sumakatutal na 115,042 ang bilang ng mga bakunang naiturok para sa first and second dose ng ating vaccination program simula nang ito ay ating inilunsad.

Walang patid ang ating pagsisikap kasama ang ating mga frontliners, healthcare workers, at ang buong #BidaAngMayBakuna team upang mas pataasin pa ang mga bilang na ito at mas dumami pa ang Imuseñong protektado mula sa COVID-19, lalo na ngayon sa banta ng mas nakahahawang Delta variant nito.

Kabahagi ng ating kampanya kontra Delta, patuloy rin ang ating panawagan sa mga kinauukulan para sa mas marami at tuloy-tuloy na pagdating ng bakuna sa ating lungsod. Sa pagtupad ng mga ito, naipapakita natin ang kahandaan ng lungsod ng Imus at naisasakatuparan natin ang kaligtasan ng bawat Imuseño.

Maraming salamat po sa inyong suporta sa ating vaccination campaign!

#SerbisyongMaliksi
Source: Emmanuel Maliksi

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.