Naaresto ng mga Cavite Police ang Top 1 Most Wanted Person (MWP) ng Las Piñas sa isinagawang pagsalakay nito sa Green Gate Homes Phase 2, sa Imus, Cavite.

Walang piyansa na ­inirekomenda ang korte para sa MWP suspek na meat vendor, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng operasyon ang Cavite Police katuwang ang Las Piñas Police laban sa suspek dakong alas-5 ng hapon.

Bitbit ang warrant of arrest para sa kasong “murder” na inisyu ni Judge Harold Cesar Huliganga ng Regional Trial Court, Branch 254, Las Piñas City na “no recommended bail” laban sa suspek.

Hindi na nakapalag ang suspek nang posasan ng mga pulis at ngayon ay nakapiit sa Station Custodial Facility ng Las Piñas.

Source: Philippine star
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.