Ipatutupad na ang dagdag singil sa Manila–Cavite Expressway o Cavitex R-1 segment ngayong Linggo, Mayo 22.

Ayon sa Cavitex Infrastructure Corporation at joint venture partner Philippine Reclamation Authority, ipinagpaliban muna nila ang toll hike noong Mayo 12 para mabigyan ng mas mahabang panahon ang mga driver at operator ng public utility vehicles na makapagrehistro sa kanilng toll reprieve program.

Ang toll reprieve program ay nagpapahintulot sa mga driver at operator ng PUV na bayaran pa rin ang lumang toll rates na P25 para sa Class 1 vehicles at P50 para sa Class 2.

Ang rebate program ay tatakbo sa loob ng 90 araw mula sa pagpapatupad ng mga bagong toll rates.

Simula sa Linggo kasi ang mga sasakyang dadaan sa Cavitex (R1) Segment – Paranaque Toll Plaza ay sisingilin ang P33 para sa Class 1, P67 sa Class 2 at P100 sa Class 3.

Paliwanag ng toll operator, kasama sa panibagong rate ang 2011 at 2014 periodic toll petition pati na ang add-on toll petition para sa mga pinagawa sa expressway, katulad ng bridge lane at road widening.

Source: ABS-CBN News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.