Timbog ang tatlong lalaki dahil sa pagbebenta ng mga pekeng LPG na may tatak ng Petron. Samantala, nakatakas naman ang isang kasamahan ng mga ito.

Nakumpiska ang hindi baba sa 70 na tangke ng LPG na may pekeng tatak ng Petron, ang nasabing operasyon ay nangyari sa magkakahiwalay na lugar ng Dasmariñas City at General Mariano Alvarez, Cavite. Ito ay matapos magreklamo ang kompanyang Petron.

Nagbabala naman si Boyet Foronda, Paralegal Officer ng Petron Gasul Corp., na delikadong gumamit ng mga pekeng tangke dahil pwede itong sumabog at pagmulan ng sunog.

“Puwedeng sumabog anytime itong LPG na ganito dahil napakadelikado na po, kinakalawang na, peke po, kaya dapat maging wais po ang mamimili natin pagdating sa mga ganyan. Bumili po sila sa tamang tindahan ng ganitong produkto,” ani Foronda.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon kung kasabwat ba sa modus ang mga refilling stations, kung mapatunayan ay haharap sila sa kaukulang kaso dahil sa paglabag sa Intellectual Property Rights of the Philippines.

Source: ABS-CBN News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Umabot na sa Halos 115,000 Doses ng Bakuna ang Naiturok sa Imus, Cavite

#BidaAngMayBakuna Update:115,000+ COVID-19 Vaccines Administered! Umabot na sa sumakatutal na 115,042 ang bilang ng mga bakunang naiturok para sa first and second dose ng ating vaccination program simula nang ito ay ating inilunsad. Walang patid ang ating pagsisikap...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.