Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Isang hinihinalang ‘big time’ gun runner ang naaresto ng Northern Police District (NPD) sa lalawigan ng Cavite, na nagdulot sa pagkakarekober ng PNP sa ilang matataas na kalibre ng baril nitong Miyerkules.

Kinilala ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang suspek bilang si John Bautista, 33, residente ng Barangay Bucandala IV, Imus, Cavite. Isiniwalat naman sa ulat ng Northern Police District (NPD) na sangkot ang suspek sa ilegal na bentahan ng mga baril online maging sa gunrunning activities sa Metro Manila, Calabarzon at karatig na probinsya.

Idinadaan umano ng suspek ang bentahan sa Facebook chat group ng mga gun enthusiast kaya’t ito rin ang ginamit ng mga otoridad upang makipagkita sa suspek. Sa naganap na entrapment operation sa isang gasolinahan sa Pasay, matagumpay na nasamsam sa suspek ang 5 baril kabilang ang sub-machine gun at mga 9mm, caliber .40 at caliber .45.

Kasunod nito ay nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya sa lungsod ng Imus at kinumbinsi ang misis ng suspek na isuko ang mga natitirang armas sa kanilang tahanan. Dito na nakuha ng pulisya ang 10 isinukong baril na kinabibilangan ng shotgun, carbine, assault rifle, sniper rifle, at revolver.

Sources: Inquirer, ABS CBN News
Photo: Northern Police District (NPD)

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.