Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Narito ang detalye mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) na naglalahad ng kaganapan tungkol sa Bulkang Taal nitong nakalipas na 24 oras.

Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng dalawang daan at dalawampu’t-isang (221) volcanic earthquakes, kabilang ang dalawampu’t-siyam (29) na low frequency volcanic earthquakes at isang daan at siyamnapu’t-dalawang (192) volcanic tremor na tumagal ng isa (1) hanggang isang daan at tatlumpu’t-limang (135) minuto.

Samantalang ang low-level background tremor na nagsimula noong ika-08 ng Abril 2021 ay patuloy na naitatala. May naganap na upwelling ng mainit na volcanic gas sa lawa ng Main Crater na lumikha ng plume na tumaas ng isang libo at limang daang (1500) metro bago mapadpad sa timog-kanluran. Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang 5,837 tonelada kada araw noong ika-14 ng Hunyo 2021.

Ang sukat ng ground deformation ng bulkan gamit ang electronic tilt, continuous GPS at InSAR monitoring ay nakakapagtala ng marahan na pag-impis ng Taal Volcano Island simula noong Abril 2021, samantalang ang kalakhang Taal ay nakakaranas ng marahang paglawak simula noong 2020. Sa kabuuan, ang mga nabanggit na batayan ay nagsasaad ng patuloy na pagligalig ng magma sa di kalalimang bahagi ng bulkan.

Ang Alert Level 2 ay kasalukuyan pa ring nakataas sa Taal Volcano. Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI.

Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure, at ang paninirahan at pamamangka sa lawa ng Taal. Ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan.

Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat na humikayat sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo at umiitsang bato na maaaring idulot ng isang biglaang pagputok ng bulkan. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.

Source by Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST)
Photo courtesy by Inquirer.net

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.