Nadakip sa Tondo, Maynila ang isang 18-taong gulang na lalaki na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang limang-taong-gulang na babae sa Naic, Cavite noong nakaraang taon.

Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, sinabing dinakip si Serge Mangampo ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Miyerkoles ng gabi, sa bisa ng warrant of arrest. Labing-pitong-taong gulang pa lang si Mangampo nang gahasain, patayin at saka inilagay sa plastic bag ang batang biktima sa Naic.

 

“‘Yung last na nakitang kasama ng bata bago siya nawala ay ‘yung suspek na naaresto natin. Nu’ng hinanap na siya ng mga kapulisan, tumakbo po ‘yan dito sa may Tondo, doon na siya nagtago,” sabi ni NCRPO Chief Major General Debold Sinas. Nahuli si Mangampo ng mga awtoridad matapos siyang manmanan dahil sa ilegal na droga.

Kasi itong si Serge, karakter nito pasaway. Palaging nire-report ng mga kapitbahay na nanggugulo at nai-involve sa mga small-time drugs at tsaka user,” dagdag ni Sinas. Ikinagalak ng ama ng biktima ang balitang nadakip na ang suspek, na umpisa ng pagkamit nila ng hustisya. Sinubukang kunan ng GMA News ng panayam si Mangampo pero dinala na ito sa Naic para sa imbestigasyon. –Jamil Santos/FRJ, GMA News

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

Mga Chismoso At Chismosa, Maaaring Masampahan ng Kaso

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Kasabay ng pagkalat ng COVID-19, ay...

Maaari Nang Bumili Ng Alak Kahit Anong Oras sa Lalawigan ng Cavite

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Photo Courtesy: RMN NetworksOpisyal...

Mall Hours sa Cavite, Hanggang 9PM na

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Ang mga mall hours ay extended na...

Nakaw na Cellphone, Naibenta ng Suspek sa Mismong May-Ari

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Photo Courtesy: Mobigyaan Isang 20...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.