Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Narito ang detalyadong step-by-step, mga dapat ninyong malaman at kinakailangang ihanda para sa PHILIPPINE IDENTIFICATION SYSTEM(PhilSys).

PHILSYS STEP 1

ASSISTED/ONLINE PRE-REGISTRATION
A. Assisted Registration
– house to house registration na ginawa ng PSA personnel noong nakaraang Enero hanggang Marso 2021.
B. Online Registration
– ang household na HINDI NAKASAMA sa Assisted Registration ay pwede magrehistro online.

PHILSYS STEP 1 ONLINE REGISTRATION PROCESS

1. Mag log in sa https://register.philsys.gov.ph at mag “PROCEED”.
2. Ilagay ang cellphone number o email account para sa One Time Password (OTP).
3. Basahing mabuti ang PRIVACY NOTE kung sang-ayon, i-click ang “AGREE”.
4. Punan lahat ng kailangang impormasyon para sa inyong PhilSys Registry at PhilID. Ibigay ang totoo at tamang impormasyon upang maiwasan ang mga parusang ayon sa batas
– Name
– Sex
– Date of Birth
– Place of Birth
– Blood Type
– Address
(TANDAAN: Ibigay lamang ang iyong aktibong email address at Philippine Mobile Number upang makatanggap ng mensahe ukol sa iyong rehistrasyon sa PhilSys)

5. I-click ang “NEXT” at i-check ang mga detalye na iyong binigay, kung tama lahat ang impormasyon i-click ang “SAVE & EXIT”
6. Lalabas ang iyong APPLICATION ID at STATUS ng iyong appointment.
7. I-print ang iyong Appointment Slip
Primary Document/s;
* PSA-issued Certificate of Live Birth AND one (1) government-issued ID
* DFA-issued Philippine Passport or ePassport
* GSIS or SSS-issued Multi-purpose Identification (UMID)
* Land Transportation (LTO)-issued Student’s License Permit or Non-Professional / Professional Driver’s License
Ang text o email na iyong matatanggap pagkatapos mag ONLINE STEP 1 REGISTRATION ay naglalaman ng iyong application number. Itago o kabisaduhin ang natanggap na application number.
Nakapaloob rin sa text kung kailan maaaring mag book ng appointment para sa STEP 2 REGISTRATION.
* Ang PHILSYS STEP 1 ay PRE-REGISTRATION. Ang mga tatanggapin lamang sa mga Registration Centers para makapag STEP 2 ay yung mga nakapag register (assisted or online) at may mga Appointment Slip na.
BAWAL ANG WALK IN!!!

PHILSYS STEP 2
REGISTRATION PROCESS/CAPTURING OF BIOMETRICS INFORMATION
(Strictly No Walk Ins)

1. Sa araw at oras ng iyong appointment, pumunta sa Registration Center dala ang Appointment Slip at Supporting Document/s.
2. Ibigay sa Screener ang Appointment Slip at Supporting Document/s para ma-check kung tama ang dalang dokumento.
3. Hintayin ang abiso ng Philsys Supervisor kapag maaari nang lumapit sa Regkit Operator.
4. Gamit ang reference number sa appointment slip, ire-retrieve ng Regkit Operator ang iyong demographic information. Ive-verify kung ang nakolektang impormasyon noong Step 1 Assited Registration / Online Registration ay pareho sa impormasyong nakalagay sa dalang supporting documents.

5. I-check kung tama ang impormasyong naka-encode sa system gamit ang Extended Monitor.
6. Kung tama ang mga impormasyon, kukuhanin ang iyong iris scan, fingerprints at front-facing photograph.
7. Antaying ang ibibigay na TRANSACTION SLIP.
8. Pumunta sa LANDBANK PERSONNEL, ipakita ang transaction slip at valid ID para sa pagbubukas ng Landbank Savings Account, kung naaangkop.
9. Hintayin ang anunsyo para sa STEP 3.

PHILSYS STEP 3
RELEASING OF PHILSYS NUMBER (PSN) & PHILID
Hintayin ang anunsyo para sa Step 3.
register.philsys.gov.ph

Source by Mayor Jenny Austria-Barzaga

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.