Labindalawang katao kabilang ang isang doktor at pasyente ng isang klinika ang iginapos at nakulong ng ilang oras matapos looban ng tatlong armadong lalaki ang dalawang establisimyento at nilimas ang kanilang mga pera at ma­hahala­gang kagamitan sa Silang, Cavite nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, tatlong lalaki na pawang armado ng baril ang pumasok sa Puremed Inc. at Magnifident Inc. na matatagpuan sa Barangay Puting Kahoy, Silang, sa pagitan ng alas-4 ng hapon hanggang alas-10:30 ng gabi.

Lumalabas sa im­bes­tigasyon, dumating ang mga suspek sa nasabing lugar lulan ng dalawang sasakyan (Revo at gold Adventure). Una nilang pinasok ang Puremed Inc. at nagkunwari silang mga kliyente. Agad silang nagdeklara ng holdap at tinutukan ang mga empleyado saka inutusang pumasok sa loob.

Matapos ito, lumipat ang mga suspek sa Magnifident Inc. na katabi lamang ng Puremed Inc. at agad ding nagdeklara ng holdap saka iginapos ang mga empleyado kasama na ang doktor at pasyente ng naturang klinika bago sila naghalughog sa loob.

Bago tumakas, sinira ng mga suspek ang DVR at kinuha ang hard drive ng CCTV ng dalawang establisimyento. Tinangay din ang lahat ng mga kagamitan ng mga biktima kabilang na ang mga cellphones, wallets, laptop, camera at ibang ari-arian ng kumpanya na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P371,100.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa naturang insidente.

Source: FRJ, GMA News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.