Binawian ng buhay ang isang babaeng senior citizen matapos mabangga ng isang kotse habang tumatawid. Iniulat ni Darlene Cay sa Unang Balita nitong Biyernes na ayon sa mga pulis, nakaimon ang driver ng kotse. Sa inisyal na imbestigasyon, patawid na sana ang 68-anyos na biktima sa kanto ng Onyx at Pedro Gil Streets sa Maynila pasado alas-tres ng madaling-araw. Walang anu-anoy may humaharurot na kotse batay sa kuha ng CCTV sa lugar at biglang sinalpok ang babae, na tumilapon ng ilang metro bago tumama sa center island. Sa isang anggulo ng CCTV, kitang bumangga ang isang kotse sa nakaparadang Jeepney. Agad na dinala sa ospital ang biktima pero binawian ito ng buhay. Kinlala ang biktima na si Adelaida Leyva, 68-anyos. Kuwento ng kanyang anak, papasok na sana ang kanyang nanay sa pinagtatrabahuang canteen ng mangyari ang insidente.
Agad namang nahuli ang driver ng kotse na si Mark Alan Santos, na ayon sa police report ay nakainom. Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Manila District Traffic Enforcement Unit. Hindi siya nakapagbigay ng pahayag sa media. Pero sa salaysay niya sa pulis, hindi umano niya nakita ang biktima. Desidido ang pamilya ng biktima na sampahan ng reklamo ang suspek.
Source: GMA News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.