Ayon sa Department of Health (DOH) bukod sa mga immunocompromised individuals pwede ng tumanggap ng ikalawang booster shot ang mga medical frontliners at senior citizens kontra COVID-19.

Ito ay kasunod ng rekomendasyon mula sa Health Technology Assessment Council (HTAC) at matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization para sa pagtuturok ng 2nd booster shot sa mga senior citizens at frontliners na edad 18 taong gulang pataas.

“The second booster for our health workers and senior citizens will enhance protection given by the first booster and the primary series against all variants, including the recent Omicron subvariant BA.2.12.1. Against whatever variant there is out there, the second booster supports the 4-Door strategy,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Everyone eligible can get the second booster jab done at the LGU vaccination sites nearest you. They are safe, effective, and free of charge,” dagdag pa nito.

Ayon sa inilabas na guidelines ng DOH, bakunang Pfizer at Moderna ang nakatakdang iturok sa mga eligible individuals.

Binigyang-diin din ng ahensya na kailangang hindi bababa sa apat na buwan ang pagitan ng una at ikalawang booster shot.

Upang makatanggap ng 2nd booster shot, ang mga indibidwal na kabilang sa nabanggit na priority groups ay kailangang magpresinta ng vaccination card na nagpapakita ng petsa ng kanilang unang booster dose at isang valid government-issued ID.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH, 68,665,070 o 76.29 % ng target na populasyon ang nakatanggap na ng kanilang kumpletong bakuna habang 13,620,199 naman ang nabakunahan na ng unang booster shot laban sa COVID-19.

Source: GMA News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.