Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Photo Courtesy: Screenshot from Sen. Bong Revilla’s Facebook live

Ayon sa Facebook post ni Bacoor City Mayor Lani Mercado Revilla na asawa ni Senador Ramon Bong Revilla, isinugod nitong Martes si Sen. Bong sa ospital dahil sa pneumonia.

Ayon kay Mayor Lani Revilla, lumabas sa resulta ng X-Ray nito na nagkaroon na ng pneumonia ang senador at ang pag-isolate sa isang regular na pasilidad ay hindi na naaayon sa kalagayan nito. “His latest X-ray shows that he has developed pneumonia and isolation in a regular facility is no longer ideal. Hospital care badly needed.” aniya.

 

Nitong Agosto 10, ibinahagi ni Sen. Revilla na nahihirapan ito sa kaniyang kalagayan matapos magpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa pamamagitan ng Facebook live.

Ayon sa kaniya, nahihirapan ito dahil walang ibang makakatulong sa kaniya. Ibinahagi din nito ang mga nararamdamang sintomas. “Pakiramdam ko po ngayon, parang napaka-sensitive ng balat ko. Parang mahapdi ng konte. ” aniya. “Masakit sa ulo kapag umuubo ka.” dagdag nito. 

Sinubukan naman ni Sen. Bong na mag-facebook live bandang alas-5 ng hapon nitong Martes ngunit kita sa video na nahihirapan ito sa pagsasalita dahil sa patuloy na pag-ubo kung kaya’t humingi na lamang ito ng dasal.

Sa kasalukuyan ay wala pang ibang detalyeng nailalabas ang pamilya ni Revilla sa kalagayan ng Senador. 

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.