Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Sa kabila ng ilang naiulat na aksidente sa mga motorsiklo, tuloy pa rin ang deadline ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa paglalagay ng mga barrier sa motorsiklo. Ayon sa IATF, wala na raw makakapigil pa sa pagpapatupad nito. 

Ngayong darating na Biyernes, Hulyo 31, 2020 ang itinakdang deadline ng IATF sa pagkakabit ng barrier sa mga motorsiklo para sa mga mag-asawa o live-in partners. Ngunit karamihan sa mga motorista ay hindi pabor dito.

Nagbigay din ng pahayag ang Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) tungkol sa resulta ng kanilang isinagawang computational fluid dynamics simulation sa pagkakaroon ng barrier sa mga motorsiklo.

Paliwanag ng Bise-Presidente ng PSME na si Engr. Cesar Lim sa panayam nito sa GMA 7, magkakaroon ng turbulence ang nagmamaneho kapag mayroong barrier ang motorsiklo. “Pag mabilis ka na, mga 30 (km/h) or even below, pag may hangin na taliwas na tumama, babaligtad yung driver.”

Dagdag na paliwanag ng PSME, hindi magiging stable ang motor kapag may nakakabit na barrier. Mayroon din umano itong epekto sa pagkonsumo ng gasolina. “Ang barrier, nagreresist. So yung motor mo would consume more gasoline to move forward.” ani Lim. 

Kahit na backpack type o nakakabit sa rider ang barrier ay ganito pa rin daw ang epekto nito. Kaya naman, panawagan ng PSME, huwag nang ituloy ang pagpapatupad nito. “Doon pa lang sa helmet at mask na gamit, protektado na yung mananakay ng motor including yung kaniyang pasahero.” ani Lim.

“Mali yung ginagawa ng IATF, wala silang teknikal. So dapat komunsulta man lang sila sa mga engineers.” dagdag pa nito.

Naninindigan naman ang IATF sa pagpapatupad nito dahil dumaan umano ito sa masusing pag-aaral. “May technical group po tayong binuo para dito. Bukas pa rin tayo sa ibang disenyo. Kung hindi sila sang-ayon sa naunang disenyo, maari lamang na magsumite sila ng mga disenyo nila para mapag-aralan natin.” ayon sa IATF.

“Kailangan po talaga ng barrier dahil ang physical distancing ay isa sa mga pinaka-importanteng measures laban sa COVID-19.” dagdag nito.

Pagdating ng Agosto 1, manghuhuli na ang Joint Task Force Covid Shield sa mga motorsiklong may angkas na walang barrier. Kabilang din sa mga huhulihin ang mga may barrier ngunit hindi mag-asawa o live-in partner. Ang mga mahuhuli ay pagmumultahin ng P5,000.00 at kukumpiskahin ang lisensya.

Source: GMA News

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.