Sapul sa CCTV camera ang ilang aksidente sa Dasmarinas, Cavite. Kabilang dito ang pagtilapon ng isang rider sa kabilang bahagi ng highway matapos siyang mabangga ng isang van.

Sa ulat ng GMA News “Unang Balita” nitong Martes, makikita sa CCTV footage ang dahan-dahan na pagliko ng van sa Aguinaldo highway hanggang sa mabangga ang dumarating na motorsiklo.

Tumilapon ang rider sa kabilang bahagi ng highway at mabuti na lang ay walang dumaan na sasakyan at hindi siya nasagasaan.

Kaagad namang nakabangon ang rider at nakipag-usap sa driver ng van.

Sa Congressional Road naman, dalawang rider ang nagbanggaan nang biglang lumiko ang isang closed van.

Biglang tumigil ang rider nang lumiko ang van, habang hindi naman kaagad nakatigil ang kasunod niyang rider kaya nagbanggan sila at parehong natumba.

Sa Dano Intersection, nakatigil ang mga sasakyan habang naghihintay ng “go” signal nang biglang umandar ang isang SUV.

Tinamaan ng SUV ang kotse na nasa harapan niya. Tumama naman ang kotse sa isang motorsiklo at tumilapon ang rider.

Sinubukan ng rider na tumayo pero napaupo siya ulit. Ayon sa ulat, dinala ang rider sa ospital.

Source: GMA News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.