Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Kamakailan lamang nitong Mayo 16, 2021 ay nag release ng guidelines ang National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa pag rerenewal ng NBI Clearance.

Paano nga ba makakapag apply ng NBI clearance o paano nga ba tayo makakapag renew nito? Marami pa din sa ilang Pilipino ay hindi alam kung paano nga ba mag-apply ng NBI clearance ngayong panahon ng pandemya at kung paano rin ba mag rerenew nito. Ang mga impormasyon na kailangan dito ay ang inyong Pangalan, Petsa at lugay kung saan ipinanganak, Lugar kung saan naktira, Date of Issuance at kung anong Purpose ng pag apply nito.

Ready ka na ba mag register?

Narito ang Guidelines kung paano nga ba mag apply ngayong panahon ng pandemya ng NBI clearance at kung paano mag-rerenew online. Bago makapag register ay kailangan ninyo ng sariling Gmail or Yahoo Account na kung saan nyo makukuha ang confirmation ng account na ireregister ninyo sa NBI at para na din sa mga transaksyon tulad ng pagbayad online.

STEP 1: REGISTER YOUR EMAIL ADDRESS
Pumunta lamang sa https://www.nbi-clearance.com/ at mag register dito gamit ang inyong email account.

STEP 2: REGISTER AS NEW ACCOUNT FOR NBI CLEARANCE ONLINE
Sa pag reregister, kung ikaw ay bagong aplikante pindutin lamang ang “No”. Pagkatapos mafillup-an lahat ng kailangang impormasyon ay pindutin naman ang “I ACCEPT TERMS OF SERVICE” katunayan na ikaw ay sang ayon sa patakaran ng kanilang serbisyo. Pindutin ang “SIGN UP” upang mapunta sa sunod na hakbang.

Para naman sa mga mag rerenew ay pindutin lamang ang “Yes”, Pagkatapos mafillup-an lahat ng kailangang impormasyon ay pindutin naman
ang “PROCEED” upang mapunta sa sunod na hakbang.

OTP – ONE TIME PASSWORD
Isang beses lamang ito magagamit at ito ay kailangan para makumpirma na ikaw ay hindi robot at para na rin sa seguridad ng website ng NBI. Kung hindi mo natanggap ang OTP ay pwede itong i resend at siguraduhin lamang na tama ang email at mobile number na iyong binigay.

STEP 3: APPLICATION INFORMATION
Fillup-an lahat ng impormasyon na kailangan tulad ng contact details, family background, at iba pa. Pagtapos mag fill-up NBI Clearance Application Form ay pindutin ang “SAVE INFORMATION”. Pag click mo ng “SAVE INFORMATION” ay lalabas sa screen ang mga impormasyon na iyong nilagay nangsagayon ay madouble check mo ito kung tama ba o hindi ang iyong nailagay. Pindutin ang “APPLY FOR CLEARANCE” na button upang maisubmit ang iyong pag fifill-up.

VALID ID REQUIREMENTS NBI CLEARANCE ONLINE

Passport
Voter’s ID
Driver’s License
SSS ID
PRC License
Philhealth
School ID
Postal ID
GSIS UMID
Tax Identification Number (TIN) ID
Senior Citizen Card
NSO Authenticated Birth Certificate
Alien Certificate of Registration
Copy of Previous NBI Clearance

STEP 4: SCHEDULE AN APPOINTMENT FOR NBI CLEARANCE ONLINE
Sa pag ischedule ng appointment ay lalabas kung ano-anong branch meron ang NBI, piliin ang NBI branch na mas malapit at convenient para sayo. Matapos makapili ng branch na pagkukuhanan ay iseset mo na kung umaga or hapon ang iyong schedule at depende din ito kung anong petsa ang available para sa appointment.

STEP 5: NBI Clearance Payment Transaction
Sa kanang bahagi ng Schedule Screen, makikita mo rito kung magkano ang iyong NBI Clearance, Schedule ng iyong appointment at iba’t ibang paraan ng pagbayad. Matapos mong magbayad ay icheck mo ang status ng iyong NBI Clearance na kung saaan ay dapat mong makita na nagbago ang “PENDING” status na kung saan magiging “PAID” status na ito.

STEP 6: PROCESSING
Pagtapos mo sa pagkumpleto ng application form at pagbayad, hintayin lamang ang exact date ng iyong appointment. Huwag kalimutan dalhin ang 2 Valid ID’s, NBI Clearance Online Reference Number at NBI Clearance Online Payment Receipt, hindi mo na kailangang iprint ang NBI Application form pag punta mo sa iyong appointment.

STEP 7: BIOMETRICS AND PHOTO CAPTURE
Pagdating mo sa NBI Branch na iyong pinili, Magtanong lamang sa mga trabahador ng NBI doon nang sagayon sila ay mag aassists sayo sa kung anong gagawin para sa pagkuha ng iyong larawan at biometrics o fingerprint.

STEP 8:RELEASING
Matapos kang picturan at kunin ang fingerprint, Hintayin lamang na tawagin ang inyong pangalan at ibigay sa inyo ang NBI Clearance. Congratulations! Meron ka ng NBI Clearance.

Photo courtesy by nbiclearance-online.com

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.