Sa Facebook live ni Cavite Governor Jonvic Remulla ngayong Martes, Agosto 4, 2020, binanggit nito na sisiguraduhin niyang ang lahat ng mga Caviteño ay makakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 sa oras na magkakaroon na nito.

Ayon kay Remulla, mayroon nang paghahandang ginagawa ang lalawigan kung saan mayroong application na kailangang ilagay sa mga cellphone upang ma-monitor ang pagbibigay ng bakuna sa mga Caviteño. “Mayroon pong isang programa ang kapitolyo na ilalagay po sa smartphone niyo.” aniya.

Ngunit pangamba nito, 10 milyong tao lamang umano ang kayang bigyan ng gobyerno sa buong bansa. “Ang sabi ng national government, may pera lang sila para sa 10 milyong tao. Para po ma-vaccinate ang buong Cavite, ang kailangan po natin ay 6billion pesos. Ang budget po ng Cavite ay halos 5 billion lamang.” pahayag nito.

Ngunit pangako ni Remulla, gagawin nito ang lahat upang mabigyan ang lahat ng Caviteño ng COVID-19 vaccine. “Ang pangako ko sa inyo, kahit iutang ko po o isangla ang ari-arian ng ating lalawigan, ang Cavite ay magkakaroon ng vaccine.” aniya.

“At kung magkakaroon po tayo ng vaccine, kailangan po may sistema ng pagrelease ng vaccine. Ang vaccine po ay hindi pwedeng bigay ng barangay health worker o nurse. Ang puwede lang po magbigay ay doktor.” dagdag nito.

Paliwanag ni Remulla, magkakaroon ng isang sistema upang masigurong ang lahat ng mamamayan ay mabibigyan. “Magkakaroon po tayo ng database para sa buong lalawigan para siguraduhin po natin na 100% ng Caviteño ay magkakaroon ng vaccine.” pahayag nito.

“There’s nothing more important than health. Pag healthy na po ang ating population, tuloy na po ang dati nating buhay. Pero until we resolve that problem, that will never happen.” ayon sa kaniya.

Dagdag pa ng gobernador, hindi mamimili ang gobyerno kung sino ang unang bibigyan nito. Ang mga nangangailangan ang uunahing bibigyan ng bakuna katulad ng mga may malubhang karamdaman gayundin ang matatanda. “Hindi po kami pipili ng mayaman o mahirap. Those who need it first will get it first lalong lalo na yung matatanda.” ayon kay Remulla.

“I will not be first, my family will not be first.” mariing pahayag ng gobernador.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

Cavite, Mananatili sa ilalim ng MGCQ hanggang Nov. 30

Ayon sa DILG IV, mananatiling nasa ilalim ng MGCQ ang lalawigan ng Cavite simula Nobyembre 1 hanggang 31, 2020   Batangas Province will stay under General Community Quarantine (GCQ) for another month, President Duterte announces. The rest of the...

3 Pasyente ng COVID-19 sa Kawit, Nasawi

Inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkasawi ng 3 pasyente ng COVID-19 sa bayan ngayong Agosto 26, 2020. "Isang nakakalungkot na balita po ang ating natanggap mula sa Kawit Rural Health Unit (RHU). Tatlong Kawiteño po...

4 Kumpirmadong Kaso ng COVID-19 sa General Mariano Alvarez, Cavite

4 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite ngayong Miyerkules, Agosto 26, 2020. Ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bayan ay nanggaling sa mga sumusunod na barangay: Patient 320 - Brgy. San...

Kaso ng COVID-19 sa Tanza, Pumalo na sa 256

Ayon sa pinakahuling balita ni Tanza Mayor Yuri Pacumio sa kaniyang Facebook page, umabot na sa 256 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tanza, Cavite ngayong Martes, Agosto 25, 2020. Sa 256 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Tanza, 169 dito...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.