Umani ng papuri ang isang 34 anyos na pulis dahil sa pagsaklolo sa ginang na inabutan ng panganganak sa loob ng rescue vehicle Kinilala ang pulis na si Police Cpl. Leo John Samonte na isa ring registered nurse. Aniya, nagbabantay sila ng ilang kapwa-pulis sa COVID-19 vaccination sa Rural Health Unit nang dumating ang van na sakay ang buntis.
Siksikan umano ang daanan, kaya di na nadala ang ginang sa birthing facility ng munisipyo. “Naglalabor na po siya tapos nakita natin na nangangailangan ng tulong ‘yong mga [taga] medical team natin, e nagkataon po na isa akong nurse nagvolunteer na po akong tumulong sa pagpapalabas no’ng bata,” ani PCPL Samonte na 9 na taon na sa serbisyo. Maayos na nailuwal ang sanggol ng ginang na taga-Bgy. Cabanbanan ng San Vicente.
Kinilala ng hepe ng San Vicente MPS si Samonte at tiniyak na laging handang umalalay ang kapulisan lalo sa panahon ng krisis at sakuna. “Binabati ko siya sa ginawa niyang good deeds… Lahat po ng aming kapulisan dito ay handang tumulong sa mga nangangailangan,” ani PCPT Danilo Ignacio Cosme, Jr. Bago mapabilang sa Traffic Patrol Police Non-Commissioned Officer ng San Vicente municipal police station, nagsilbi munang team leader ng grupo ng police-nurse ng Camarines Norte Police Provincial Office si Samonte na nag-aalaga sa ilang positibo sa COVID-19.
Source: ABS-CBN News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.