“Tubig is water, ilog is river, combine it together, wala pa ring forever. Usapang tubig muna tayo mga Mars at Lods, saka na muna ang kwentong pag-ibig!” ika nga ni Mayor Corie Poblete.
Itinampok nitong Huwebes, Hunyo 10, 2021 ang pumping water station sa Silang, Cavite na magwawakas na sa kakulangan ng katubigan para sa mga mamamayan rito.
“Kanina lamang ay nagkaroon po tayo ng ground breaking para mabuo ang mga pumping station kasama ang Prime Water Silang sa mga lugar tulad ng barangay ng Kaong, Acacia, Biga 1, at Yakal. Ito po ay upang mapalakas ang daloy ng tubig. Malapit ng mawakasan ang problema sa pangligo, panghugas ng pinggan, at pangdilig sa mga halaman ng ating mga plantito at plantita.”pahayag ni Mayor Poblete.
“Patuloy natin itong inaaksyonan kasabay ng pakikipagtulungan sa institusyon ng Prime Water. Kaunti na lamang po, matatapos na rin po ang problema natin dito. Abangan lamang po natin ang mga susunod na bubuksang pumping station.”dagdag nito.
Photo courtesy by Mayor Corie Poblete
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

CHED, Face to Face Classes para sa Engineering at IT

Ang sunod na batch ng magkakaroon ng face to face na klase ay pinaplano na ng CHED lalo na ang mga kursong kailangan ng hands on na aktibidad tulad ng Engineering, Information Technology, Industrial Technology at Maritime. Pinag-aaralan na ito ng CHED o Commission on...

Alimango Kapalit ng Serbisyo ng Abogado

Kumalat sa social media ang post ni Atty. Noel Allan Bose kung saan ikinuwento niya kung bakit siya may hawak na bugkos ng mga alimango sa labas ng court room. Kuwento ni Atty. Bose, matapos ang isang hearing ay nakiusap ang kaniyang kliyente kung puwede ay mga nahuli...

Libreng Konsulta at Vitamins sa Kawit

Patuloy ang arangkada ng Doktor Sa Barangay project! nitong Hunyo 18, 2021, Huwebes, inihatid naman ito sa kanilang mga kababayang Kawiteño sa Rockwell Classic Homes kasama si Dra. Claudette Pulido. Ito rin ay para maibsan ang hinaharap ng ating mga healthcare...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.