Posible na nga bang maging P20 hanggang P30 ang kada kilo ng presyo ng bigas na pinangako ni leading presidential candidate Bongbong Marcos Jr.

Sa pulong balitaan nitong Huwebes, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, na posible naman na maibaba sa P20-P30 ang per kilo ng bigas pero.

“If our support to our rice farmers are very targeted and efficient, then I think that is a possibility,” anang opisyal.

Una rito, sinabi ni Marcos na plano niyang magkaroon ng price cap sa bigas at magsilbing “middlemen” ang ahensiya ng gobyerno para sa pagbili ng mga ani ng mga magsasaka sa ilalim ng kaniyang gobyerno.

Nagkakahalaga ng P38 hanggang P50 per kilo ang local commercial rice sa Metro Manila at P37.00 hanggang P52.00 ang imported commercial rice.

Sinabi ni Chua, maaaring maipatupad ang pangako ni Marcos sa presyo ng bigas sa ilalim ng umiiral na liberalized trade regime sa Rice Tariffication law.

Sa Rice Tariffication law, pinapayagan ang pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa na may patong na mas mataas na taripa. Layunin nito na bahain ng bigas ang merkado para maibaba ang presyo.

Pero nagrereklamo ang mga lokal na magsasaka na nadedehado ang kanilang ani sa pagdami ng imported na bigas.

Para maprotektahan ang lokal industrya, naglaan ang batas ng P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), para ipangsuporta sa mga kagamitan ng mga magsasaka upang mapalakas ang kanilang ani.

“Under Rice Tariffication, the programs are expected to increase the yield per hectare from four metric tons to five or six metric tons, so that is possible actually,” ani Chua.

Sa datos ng Department of Agriculture, sa nakalipas na dalawang taon mula nang ipatupad ang Rice Tariffication law, tumaas umano ang ani ng palay sa 19.2 million metric tons at 19.96 million metric tons noong 2020 at 2021.

Babala ni Chua, kung hindi tutugma ang ibibigay na suporta sa mga magsasaka para sa magiging produksyon ng ani, magiging problema umano na maibaba ang presyo ng bigas sa P10-P30 per kilo.

“If we are going to use taxpayers’ money solely to subsidize without conditions and without any productivity measures, then that’s a bad idea,” paalala ng NEDA chief.

Umaasa rin si Chua na hindi babaguhin ng susunod na administrasyon ang Rice Tariffication law na tinawag niyang “best model that we have to help farmers and consumers.”

“By removing quantitative restrictions, we were able to address both the needs of consumers for lower retail price of rice and use the funding from the tariff, which I believe was at P18 billion last year to fully fund the RCEF or Rice Competitiveness Enhancement Fund,” paliwanag ni Chua.

“Those calling for the removal of the RTL risks taking away P18 [billion] we are giving to farmers to improve their productivity,” dagdag niya.

Source: GMA News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Top 1 most wanted ng camarines, arestado sa Silang, Cavite

Isang Top 1 Most Wanted Person (WMP) ng Camarines ang naaresto nga mga kapulisan sa isinagawang operasyon nitong biyernes ng madaling araw sa Silang, Cavite. Kinilala itong si suspek na binata, factory worker, tubong Camarines Sur at residente ng Barangay Biga 2...

67-year old na lola, humingi ng tulong para sa kanyang sari-sari store

Humihingi ng tulong ang isang 67-anyos na lola mula sa Ternate, Cavite para ayusin ang kanyang maliit na sari-sari store at makakuha ng tulong medikal para sa kanyang pamilya. Ayon sa ulat ng "24 Oras" nitong Biyernes, ang tindahan ni Editha Festejo ay naging linya ng...

4 katao, sugatan matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse

Sugatan at isinugod sa Hospital ang apat na katao kabilang ang dalawang menor de-edad matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse ang kanilang sinasakyan sa Imus, Cavite. Isinugod sa South Imus Specialist Hospital ang mga biktima na sakay ng Toyota Avanza at...

Silang, Cavite robbery heists, 12 katao iginapos

Labindalawang katao kabilang ang isang doktor at pasyente ng isang klinika ang iginapos at nakulong ng ilang oras matapos looban ng tatlong armadong lalaki ang dalawang establisimyento at nilimas ang kanilang mga pera at ma­hahala­gang kagamitan sa Silang, Cavite...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.